Wednesday, July 24, 2019

1.Ano ang kahalagahan ng pambansang wika,multilinggwalismo at unang wika sa pagkatuto ng mag-aaral?

-Ang wika ay instrumento nating mga tao sa pakikipag-ugnayan, sa pagkalap ng impormasyon at sa marami pang aspeto ng buhay. Samakatuwid, malaki ang ginagampanan ng wika sa ating mga personal na buhay. Sa paaralan,ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkatuto ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng wika dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng kaalaman at ideya sa bawat isa.Unang wika, ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang naituro sa isang tao. Sa wikang ito mas naipapahayag ng bawat isa ang kani-kanilang ideya,kaisipan at kaalaman.Mahalaga ang unang
wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin
at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
 Sa paggamit ng unang wika sa pagtuturo napapaunlad nito ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.Ang multilinggwalismo ay hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa katunayan ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa, dahil na rin ang mga Pilipino ay nakakapagsalita na higit pa sa isang wika.Ang multilinggwal na edukasyon ay nakatutulong sa pagtaguyod ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ito rin ang susi sa pagkakabuklod ng magkakaibang lipunan na may magkakaibang wika.

2.Ano sa palagay mo ang benepisyo sa isang propesyonal,negosyante o karaniwang tao ng pagkakaroon ng kasanayan sa higit dalawang wika?

Mahalaga na matuto ng ibat-ibang lenggwahe dahil ang mga wikang ito ay magagamit natin sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Kung ikaw ay isang negoosyante, propesyunal o karaniwang tao mahalaga pa rin na matuto ng ibat-ibang wika. Nakaka benepisyo ito dahil hindi  lahat ng iyong makaka salamuha mong ibang negosyante o kapwa ay maiintindihan ang iyong mga pinagsasabi, dahil hindi lahat ng mga ito  ay nakakaintindi sa yong mga sinasabi o ikaw mismo  ang hindi nakakaintindi sa kanila. Halimbawa, dahil nga ikaw ay nakakapagsalita ng maraming lenggwahe mas may pagkakataon ka na makumbinsi ang isang kleyente upang maging kasosyo sa isang negosyo na nagmula pa sa ibang bansa. Nakakatulong ang paghahasa  mo sa iyong sarili sa pagkatuto ng ibat-ibang wika upang magkaintindihan at magkaroon ng pagkakaisa ang bawat isa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sila parati ang umiintindi sa atin upang tayo’y magkaintindihan kundi kailangan din nating kumilos upang maging maayos at matiwasay ang pakikipagkomunikasyon natin sa ibang tao.

 3. Sa iyong karanasan at kakayahan, nakatulong ba nag bilinggwal sa iyong pagkatuto? Bakit?

Oo,nakakatulong ang bilinggwal sa sa pang araw araw lalo na sa partikular na pakikipagkumunikasyon. nahahasa din dito ang kakayahan na makipag salamuha sa ibat-ibang linggwahe na kung saan tayo ay mas magkaintindihan. Halimbawa, kung ang asignatura niyo ay ingles at kailangan niyo na magsalita ng ingles at dahil alam mo kung paano magsalita sa wikang iyon  hindi ka mahihirapan na sumagot sa mga katanungan ng iyong guro.Bilang isang studyante, ginagamit ito sa paaralan sapagkat hindi lamang isa ang lenggwahe ang iyong ginagamit kundi dalawa o higit pa.Sa pang araw araw na pamumuhay, karaniwang ginagamit ay wikang bilinggwal, labis na nakakatulong sa pakikipagtalastasan  at paglalahad ng impormasyon,ideya at kaalaman sa bawat isa. Napapataas ang kaildad ng edukasyon at nadadaragdagan ang kaalaman sa importansya ng bilinggwal na wika.Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng
wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sa pag-unlad ng wika.

No comments:

Post a Comment

1.Ano ang kahalagahan ng pambansang wika,multilinggwalismo at unang wika sa pagkatuto ng mag-aaral? -Ang wika ay instrumento nating mga ...